my vernacular heart
Hindi na ako matatakot magalit. Hindi na ako matatakot magtampo. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko kung nasasaktan ako. Hindi ko na tutuyuin ang luha ko bago pa man sila pumatak. Hindi ko na itatago ang lahat ng sakit. Hindi na ako matatakot na lumaban. Hindi na ako magpapanggap. Hindi na ako ngingiti sa kabila ng mga ito. Hindi na ako magwawalang-bahala. Hindi ako magkikibit-balikat. Hindi na ako matatakot magsalita. Hindi na ako matatakot lumaban. Hindi na ako matatakot sabihing tama na. Hindi na ako matatakot sa posibilidad na hindi mo ako susundan. Hindi na ako matatakot na baka ito na ang katapusan. Hindi na ako matatakot na baka hindi mo ako habulin. Hindi na ako matatakot sa posibilidad na hindi mo ako ipaglalaban. Hindi na ako matatakot maging matapang
Kung talagang mahal mo ako...hindi mo ko hahayaang matakot.
Kung talagang mahal mo ako...ay malalaman ko na ngayon.



1 Comments:
basahin ang buong blog ay pretty mabuti
Post a Comment
<< Home